Ballot recount sa 2016 VP race, sisimulan sa March 19

     7 months ago
25
Leave a Comment
10 SHARE

 

Itinakda na sa March 19 ng Korte Suprema na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal ang pagsisimula ng ballot recount sa mga lugar na kinukuwestyon sa election protest ni dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Matatandaang iniatras na nina Marcos at Vice President Leni Robredo ang lahat ng kanilang mosyon sa PET upang masimulan na ang proseso sa muling pagbibilang sa mga balota.

Kabilang sa mga balotang hinihiling ni Marcos na muling bilangin ay mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Matatandaang sa protesta ni Marcos, iginigiit nito na nagkaroon ng malawakang vote-buying at iba pang election fraud noong nakalipas na May 2016 vice presidential elections.

Sa naturang halalan, lumamang ng 262,473 na boto si Robredo kay Marcos.

Source link

10 SHARE

Post Comments