Bam Aquino naniniwalang mananalo si Kris sakaling tumakbo sa Senado sa 2019

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Positibo si Sen. Bam Aquino na mananalo ang pinsang si Kris Aquino sakaling tumakbo ito sa pagkasenador sa 2019.

Ayon sa senador, hindi isyu sa kanya na makatrabaho si Kris sa Senado dahil sanay itong magpahayag ng saloobin at naninindigan sa mga isyu na malapit sa kanyang puso.

Iginiit ni Bam Aquino na ‘welcome’ ang boses ng sinumang nais manindigan at magpahayag ng saloobin sa panahong ito.

Gayunman, ang desisyon tungkol sa pagtakbo ni Kris Aquino sa Senado ay kailangan pa anyang pag-usapan ng Aquino family.

Matatandaang ipinahayag ni Bam noong Mayo na kinakailangan ang isang malakas na oposisyon sa Mataas na Kapulungan na magiging boses ng mga mamamayan laban sa mga programa ng gobyerno na balakid sa interes ng mga mamamayang Filipino.

Source link

0 SHARE

Post Comments