Bangkay natagpuan sa nasunog na NCCC Mall Davao makalipas ang 6 na buwan

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Natagpuan ang isang bangkay sa nasunog na NCCC Mall sa Davao City matapos ang malaking sunog na naganap noong December 23, 2018.

Sa isang pahayag, sinabi ng NCCC na natagpuan ang mga labi ng biktima sa ikatlong palapag ng mall na kasalukuyan nang tinitibag.

Agad umanong kinurdonan ang lugar kung saan natagpuan ang mga labi at agad na ipinagbigay alam sa interagency task force, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) and Scene of the Crime Operatives (SOCO) para sa imbestigasyon at paglilipat ng katawan sa ligtas na lugar.

Sinabi pa ng NCCC na sa ngayon ang pokus nila ay malaman ang pagkakakilanlan ng biktima at mapangalagaan ang dignidad nito.

Ang mga katanungan tungkol sa insidente ay tutugunan ng BFP ayon sa mall.

Matatandaang 38 katao ang namatay sa naturang sunog noong nakaraang taon na karamihan ay call center employees.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments