Bangkay ni Demafelis, dumating na sa bansa

     2 months ago
28
Leave a Comment
8 SHARE

Humagulhol sa iyak ang mga kapatid ni Joana Demafelis nang salubungin nila ang bangkay nito sa PAIR-PAGS sa NAIA Complex mag aalas-11:00 ng umaga.

Halos wala nang boses sina Joejet at Jessica Demafelis habang umiiyak nang makita ang ataul ng kanilang kapatid na nadiskubrengo pinaslang at isinilid sa freezer sa isang apartment sa Kuwait.

Kasama nilang sumalubong sa labi ni Joana sina Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, OWWA administrator Hans Cacdac, DOLE Usec. Jing Paras, ACTS OWF Party-list Rep. Aniceto John Bertiz at iba pang mga miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption.

Nagpasalamat naman si Joejet sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagtulong sa kanilang pamilya para mapauwi sa bansa ang kanilang kapatid.

Nananawagan naman din ito sa Kuwaiti government na tulungan sila makuha ang hustisya sa pamamagitan nang pagdakip sa employer ng kanilang kapatid.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Cayetano na tiniyak na sa kanila ng Kuwaiti government ang kooperasyon at paghabol sa mga naging amo ni Joana.

Source link

8 SHARE

Post Comments