‘Basyang,’ bumilis 1 araw bago ang inaasahang landfall sa Mindanao

     2 months ago
12
Leave a Comment
6 SHARE

Patuloy ang pagpapaalala ng Pagasa sa publiko sa posibilidad ng mga pagbaha at mga landslides sa mga lugar na maaapektuhan ng Bagyong Basyang.

Ito’y matapos bumilis nang bahagya ang bagyo habang tinutumbok nito ang direksyon patungong Silangang Mindanao.

Sa pinakahuling tala ng weather bureau, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 435 kms silangan timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong maaaring pumalo hanggang 80 kph.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 23 kph sa direksiyong kanluran hilagang-kanluran.

Inaasahan namang magla-landfall ang naturang sama ng panahon bukas ng umaga o sa hapon, habang expected namang lalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility sa araw ng Huwebes, Pebrero 15.

Nakataas na sa ngayon ang Signal No. 2 sa mga lalawigan ng Surigao del Sur, Surigao del Norte, Agusan del Sur at Agusan del Norte.

Nasa ilalim naman ng signal No. 1 ang southern portion ng Samar, southern portion ng Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Negros Occidental, Siquijor, Guimaras, Iloilo, Dinagat Islands, Camiguin, Compostela valley, davao oriental, Davao del Norte, Misamis Oriental, Misamis Occidental, lanao del Norte, Lanao del Sur, Bukidnon, hilagang bahagi ng Zamboanga del Norte at hilagang parte ng Zamboanga del Sur.

Hindi na rin pinapayagang pumalaot ang anumang uri ng sasakyang pandagat sa mga lugar na may nakataas na warning signal.

Samantalang may nakataas namang gale warning sa seaboards ng Northen Luzon, maging sa eastern seaboards ng Central at Southern Luzon at sa Eastern Visayas.

Source link

Post Comments