Bata nasawi matapos masabugan ng granada sa Oriental Mindoro

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Sumabog ang isang granada matapos itong paglaruan ng isang 7 taong gulang na batang lalaki sa Barangay Nasucob, sa bayan ng Bulalacao, Oriental Mindoro.

Kwento ng ama ni Glenrey Osorio na si Glen, tanghali nang makita niyang may hawak na metal na bagay ang kanyang anak.

Ayon dito, nakuha ng bata ang naturang bagay mula sa isang bakanteng lote at inuwi sa kanilang bahay.

Ayon kay Superintendent Imelda Tolentino na siyang information officer ng MIMAROPA Police Regional Office, inakala umano ni Glenrey na laruan lamang ang M203 na granada, kaya naman pinukpok niya ito, dahilan upang sumabog.

Isinugod pa sa Bulalacao Community Hospital ang bata ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Source link

0 SHARE

Post Comments