Bato, pormal nang itinalaga sa BuCor; Guerrero sa Marina

     3 months ago
26
Leave a Comment
4 SHARE

Inilabas na ng Malacanang ang appointment paper kina retired Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” Dela Rosa at retired Armed Forces Chief Rey Leonardo Guerrero, para sa kanilang mga bagong posisyon.

Si Dela Rosa ay magiging bagong director general ng Bureau of Corrections (BuCor), habang si Guerrero ay bilang administrator ng Maritime Industry Authority (Marina).

Magtatapos naman ang kanilang panunungkulan sa nasabing mga tanggapan sa Hulyo 2022.

Itinalaga naman ang retiradong police official na si Valfrie Tabian bilang BuCor deputy director.

Bago pa man nagretiro sa kani-kanilang serbisyo sa PNP at AFP, nabanggit na ni Pangulong Rodrigo Duterte na muli niyang kukunin sina Dela Rosa at Guerrero, upang makatuwang sa pamahalaan.

Source link

Post Comments