Bato sa mga kritiko ni Digong: Giyera tayo

     5 months ago
46
Leave a Comment
70 SHARE

Binalaan ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa sa giyera ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hinamon ni Dela Rosa ang mga ito na kung magkudeta sila kung gugustuhin niya.

“You want to bring down the Duterte administration? Over my dead body. Giyera tayo. Kayo, kung gusto niyo giyera, hinahamon ko kayo. Gusto niyo ng kudeta, magkudeta kayo. Giyera tayo. Huwag niyo kong takutin.”

Iginiit ng hepe ng PNP na hindi mapapabagsak ng mga kritiko si Duterte na mayroong 83% na trust rating.

Naninidigan din si Dela Rosa na ang kasong isinampa sa International Criminal Court laban sa pangulo ay nag-ugat sa paninira kay Duterte.

Ang kasong kinakaharap ni Duterte ay may kaugnayan umano’y crimes against humanity sa ilalim ng kanyang gyera kontra droga.

Source link

70 SHARE

Post Comments