Bello inutusan na linisin sa mga tiwali ang DOLE

     3 months ago
18
Leave a Comment
11 SHARE

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Sec. Silvestre Bello III na balasahin ang recruitment division ng kanyang tanggapan.

Ito ay dahil sa puro pera na lamang aniya ang ginawa ng mga nasa recruitment division.

Dahil aniya sa pangingikil, maraming Filipino na ang napahamak.

Matatandaang sinibak ng pangulo si Labor Usec. Dominador Say dahil sa isyu ng korapsyon.

Pero sinabi naman ni Say na nagbitiw siya sa puwesto dahil sa hindi pagkakaintindihan ng DOLE at labor sector ukol sa isyu ng Endo o end of contractualization.

Source link

11 SHARE

Post Comments