Beteranong aktor na si Bernardo Bernardo, na-diagnose na may pancreatic tumor

     3 months ago
35
2 Comments
9 SHARE

Na-diagnose ang beteranong aktor na si Bernardo Bernardo na may pancreatic tumor.

Sa kaniyang Facebook account, sinabi ng aktor na namamaga ang kaniyang pancreas dahil sa aniya’y “possible malignant” na tumor.

Kasunod nito, nakiusap si Bernardo ng panalangin mula sa publiko para sa kaniyang paggaling mula sa kasalukuyang kondisyon.

Napag-alaman ang sakit ni Bernardo matapos dumaan sa isang buwang laboratory tests sa University of Santo Tomas hospital sa Sampaloc, Maynila.

Kabilang si Bernardo sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na “Ang Larawan” na itinanghal bilang Best Picture ngayong taon.

Source link

9 SHARE

Post Comments