Bidding para sa 3rd player sa telco industry tuloy na sa Marso

     6 months ago
28
Leave a Comment
15 SHARE

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na masimulan na ang bidding para sa bagong telecommunication player pagsapit ng buwang Marso.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar na ayaw na ng pangulo na magkaroon ng extension at nais niyang maganap ito sa susunod na buwan.

Ang pagpayag ng pamahalaan sa “third telecommunications player” ay naglalayong mabuwag ang “duopoly” sa industriya ng telekomunikasyon.

Inaasahan din na magpapabuti ito sa telecommunication services sa bansa na dinodomina lamang ng dalawang malalaking kumpanya.

Kamakailan lamang ay pumayag ang PLDT-Smart na isauli sa pamahalaan ang isang frequency para sa LTE at 3G connectivity na pwedeng gamitin ng papasok na 3rd player sa telco industry.

Noon pang panahon ng kampanya ay sinabi na ni Duterte na magpapapasok siya ng bagong telco sa bansa dahil sa masamang serbisyon ng telekomunikasyon sa Pilipinas sa kasalukuyan.

Source link

15 SHARE

Post Comments