Biyahe ng MRT nagka-aberya; mga pasahero pinababa dahil sa problema sa gulong ng tren

     6 months ago
17
Leave a Comment
3 SHARE

Nagka-aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) Biyernes (Feb. 2) ng hapon.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), alas 4:40 ng hapon nang pababain ang lahat ng pasahero ng isang tren sa Santolan station southbound dahil sa nagkaproblema ang gulong nito.

Aabot sa 1,000 mga pasahero ang naapektuhan. Nakasakay naman agad sila sa kasunod na tren.

Ayon sa DOTr, wheel slipping o skidding ang nakitang problema sa tren.

Ibinalik ito sa depot para mapalitan ng wheel set component upang matiyak na ligtas itong gamitin.

 

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments