BOC nagpaliwanag sa hindi pagwasak sa mga McLaren, Lamborghini at Ferrari

     2 months ago
77
Leave a Comment
10 SHARE

Dalawampu’t dalawang luxury vehicles kabilang ang mga high-end na sports cars na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa kanilang kostodiya.

Ang nasabing mga sasakyan na nakumpiska sa magkakahiwalay na pagkakataon sa Manila International Container Port (MICP) ay hindi nakasama sa mga mamahaling smuggled na sasakyan na winasak kamakailan sa BOC.

Paliwanag ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang 18 supercars at luxury cars na kinabibilangan ng Mclaren at Chevrolet Camaro na naka-consigne sa Gamma Ray Marketing ay sumasailalim ngayon sa legal proceedings sa MICP Law Division.

Ang Ferrari F430 2006 naman at Lamborghini Murcielago na naka-consigne sa isang Mary Joy Aguanta at Veronica Angeles na kapwa idineklarang ‘forfieted’ ng MICP ay may nakabinbin pang apela.

Isang Lamborghini Gallardo naman at isang Rolls Royce na naka-consigne kina Allan Usman Garcia at Roy Garchitorena ay isinasailalim pa sa pagsusuri at beripikasyon ang mga dokumento.

Agad aniyang maglalabas ng warrant of seizure and detention ang BOC sa sandaling may makitang probable cause ang ahensya.

 

 

 

 

 

 

 

Source link

10 SHARE

Post Comments