Bombo Medico 2018 sabay-sabay ngayong isinasagawa sa mga Star FM at Bombo Radyo stations nationwide

     4 days ago
32
Leave a Comment
5 SHARE

Muli na namang isinasagawa nang sabay-sabay sa ilang mga pangunahing lugar sa buong bansa na mayroong Bombo Radyo at Star FM Stations ang Bombo Medico ngayong araw ng Linggo, Hulyo 8.

Layunin ng Bombo Medico 2018 ng Bombo Radyo Philippines ay mapagkalooban ng tulong medical, optikal at dental ang mga kababayan natin na kapuspalad na hindi makayanan ang pagpapakonsulta sa mga doctor at mga dalubhasa at walang pambili ng gamot sa kanilang mga karamdaman.

Sa ngayon lalong pinalawak pa ng Bombo Radyo Philippines ang serbisyo at paglilingkod sa ating mga mahihirap na kababayan.

Ang simultaneous nationwide medical, dental at optical mission ay isa sa maraming mga programa na binuo sa ilalim ng pangangasiwa ng Chairman ng Bombo Radyo Philippines Dr. Rogelio M. Florete, para matulungan ang ating mahihirap na kababayan at bilang bahagi na rin ng corporate social
responsibility.

Sa vision ng Chariman ng Bombo Radyo Philippines, ang Network ay sya lamang tulay kung saan ang mga dalubhasa at mga tao o korporasyon na may maitutulong ay maipapaabot ito sa nakakarami.

Ang pagtulong na ito at pagkakawang gawa ay isang importanteng mekanismo upang maisulong ang pagkakaisa at pagtataguyod sa bayan na nagtutulungan.

Ang dalawa pang mga proyekto ng Network na nagsusulong ng ganitong mga mithiin ay sa tuwing buwan ng Nobyembre kung kailan isinasagawa ang Dugong Bombo. Ang bloodletting activity ay idinaraos din nang sabay-sabay sa mga Bombo Radyo at Star FM stations nationwide.

Tuwing buwan ng Enero ay ang Bombo Music Festival para magpalawak ng kultura at pagkamalikhain ng mga Pilipino.

Tulad nang taunang ginagawa muling magiging bahagi sa pagbibigay serbisyo ng Bombo Medico 2018 para mag-alay ng kanilang libreng oras at kagalingan ay ang mga doktors, dentists, pharmacists, nurses, nursing aids, volunteers, at iba pang mga grupo na aabot sa 200 individual hindi pa kasama dyan ang mga personnel ng Bombo Radyo at Star FM sa buong bansa.

Liban sa medical checkup, dental at optical services, libreng gamot, ang iba pang serbisyo na ibabahagi bukas ay ang pamimigay ng wheelchairs, canes and crutches, eyeglasses at dentures .

Ang mga lugar na sentro nang ginaganap na Bombo Medico 2018 ay kinabibilangan ng lungsod ng Maynila, Tuguegarao, Cauayan, Laoag, Vigan, La Union, Dagupan, Baguio, Naga, Legazpi, Bacolod, Iloilo, Roxas, Kalibo, Cebu, Tacloban, Davao, General Santos, Butuan, Koronadal, Cotabato, Dipolog, Cagayan de Oro at Zamboanga City.

Source link

Post Comments