Bombo Music Festival, matagumpay na nagtapos; estudyante mula Q.C. itinanghal na kampeon

     3 months ago
16
Leave a Comment
3 SHARE

ILOILO CITY – Matagumpay na nagtapos ang Bombo Music Festival: A Song-writing Competition of Wholly Original Melody and Lyrics.

Kinilala bilang Grand Champion si Joseph Ponce ng Baesa Quezon City na sumulat ng awiting “Gusto Kong Maging”.

Iniuwi ni Ponce ang P200,000 na grand prize at trophy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo sa Grand Prize Winner, sinabi nito na hindi nito inasahang tatanghaling kampeon dahil magagaling lahat ang kanyang mga nakatunggali.

Ang mapabilang aniya sa top 12 ay blessing na diumano at ang tanghaling kampeon sa Bombo Music Festival ay itinuturing nitong sobrang blessings.

Ang napanalunang pera ay plano nitong ibahagi sa kanyang bayaw na OFW upang makauwi na at makapagnegosyo sa bansa lalo pa’t lumalaki na ang kanyang anak.

Samantala, iniuwi naman ni Gerre Mae Ged Orgasan, ng Guadalupe Nuevo Makati City ng awiting “M.U.” ang P150,000 at trophy bilang 1st runner-up.

Ayon kay Orgasan, labis ang kanyang pasasalamat sa karangalang natanggap at pinasalamatan din ang lahat ng mga sumuporta sa kaniya.

Tinanghal naman na second runner-up si Jose LG Fuentes ng Cosolation Cebu City ng awiting “Panumpa”.

Napanalunan ni Fuentes ang P100,000 na cash at trophy.

Hindi naman umuwing luhaan ang iba pang mga finalists na nag-uwi ng P50,000 bilang consolation prize.

Ang Grand Performance Night ng Bombo Music Festival na itinaguyod at sinusuportahan ng Department of Tourism ay isinagawa sa Rose Memorial Auditorium ng Central Philippine University (CPU).

Source link

Post Comments