Bong Go, isisiwalat ang katotohanan sa frigate deal sa Senate probe – Palasyo

     7 months ago
24
Leave a Comment
14 SHARE

Itinuturing ng Malacañang na isang welcome opportunity para kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang pagdinig ng Senado bukas para linawin ang pagkakadawit ng pangalan sa frigate deal ng Philippine Navy.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, aasahang gaya ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, ilalahad lahat ni Sec. Bong Go ang lahat sa isang bukas at transparent na Senate inquiry.

Ayon kay Sec. Roque, layunin nitong ipakita ni Bong Go na wala siyang itinatago, maging ang administrasyon at handang sagutin lahat ng katanungan sa harap ng publiko.

Kasabay nito, muling iginiit ni Roque na ang mga alegasyon laban kay Sec. Go ay walang katotohanan at basehan dahil Aquino administration ang pumili sa Hyundai Heavy Industries (HHI) bilang supplier ng dalawang frigates, kasama ang boat supply, navigation, communications at combat management systems (CMS).

Noong nakaraang administrasyon din umano naideklara ang Hyundai bilang nanalong bidder at nakakuha ng kontrata.

Dagdag pa ni Roque, asahan bukas na lalabas na ang pagkakasangkot kay SAP Go ay koryente lamang o pekeng balita umanong pilit iniuugnay sa Duterte administration.

“We look at tomorrow’s Senate investigation on the Philippine Navy acquisition project as a welcome opportunity for Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go to shed light on this matter. Expect Secretary Go to tell all, and as instructed by the President, he would likely demand for an open and transparent Senate inquiry to show that he – and the Administration – has nothing to hide as he would squarely answer questions, in full view of the public,” ani Sec. Roque.

“We reiterate that the allegations against SAP Go are untrue and unfounded. It was the Aquino administration which chose Hyundai Heavy Industries (HHI) as supplier of the two frigates, including the supply of the boat, the navigation, the communications, and the combat management systems (CMS). It was also during the previous administration that Hyundai was declared the responsive bidder and awarded the two frigates, including the CMS. The whole truth would finally be known. Asahan na bukas ay lalabas at lalabas na ang pagkakasangkot kay SAP Go ay kuryente lamang, o pekeng balita na pilit na inuugnay sa Administrasyon.”

Source link

Post Comments