Breaking: Taiwan, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

     2 months ago
17
Leave a Comment
7 SHARE

 

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Taiwan, dakong alas 10:13 ngayong Linggo ng gabi.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang episentro ng pagyanig may 17 kilometro ang layo sa hilaga-silangang bahagi ng bayan ng Hualien.

May lalim lamang ang pinagmulan ng lindol na 7.8 kilometro.

Dahil mababaw ang pinagmulan ng pagyanig, malaking bahagi ng Taiwan ang nakaramdam ng paggalaw ng lupa.

Gayunman, wala pa namang naiuulat na matinding pinsalang idinulot ang lindol.

Una nang itinaas sa magnitude 6.1 ang lindol ngunit kalaunan ay ibinaba ito sa magnitude 5.3 ng mga dalubhasa.

Samantala, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, wala namang banta ng tsunami sa Pilipinas na sanhi ng lindol sa Taiwan.

Source link

7 SHARE

Post Comments