Buffet restaurant sa SM By the Bay sa Pasay, tinupok ng apoy

     6 months ago
58
Leave a Comment
17 SHARE

Nasunog ang isang buffet restaurant na nasa SM By the Bay sa Mall of Asia (MOA) sa Pasay City.

Sa ulat ng Fire Emergency Paramedic Assistance Group sa kanilang twitter, pasado alas 11:00 ng umaga nang itaas sa 1st alarm ang sunog sa Buffet 101 sa SM By the Bay.

Kinailangang basagin ang mga salaaming bintana ng establisyimento upang lumabas ang usok at upang mabilis na maapula ang apoy at hindi a kumalat sa mga katabi nitong restaurant.

Alas 11:41 ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog.

Inaalam pa kung ano ang naging sanhi ng pagsiklab ng apoy.

 

 

 

 

 

 

Source link

17 SHARE

Post Comments