Canadian skier na si David Duncan, arestado dahil sa pagnanakaw ng kotse sa South Korea

     6 months ago
23
Leave a Comment
3 SHARE

Arestado ang Canadian skier na si David Duncan, ang kanyang asawa na si Maja Margarethe Duncan at trainer na si Wiliam Ryan Raine dahil sa pagnanakaw ng kotse sa Winter Olympics sa Pyeongchang, South Korea.

Ayon sa ulat ng South Korean police, tinangay ng tatlo ang nakaparadang kotse dahil sa hindi nakayanan ang malamig na temperatura sa labas.

Naabutan ng mga pulis ang tatlo sakay ng kulay pink na Hummer sa downtown ng Pyeongchang sa Olympic village.

Nabatid na positibo sa alak ang drayber ng ninakaw na sasakyan na si Raine.

Agad naman na humingi ng paumanhin ang Canadian Olympic committee kaugnay sa naging aksyon ng tatlo.

Nahaharap ngayon sa kasong car theft at drunk driving ang tatlo.

Source link

3 SHARE

Post Comments