CHED, target na maipatupad sa Hunyo ang libreng matrikula sa mga SUCs

     3 months ago
9
Leave a Comment
6 SHARE

Target ng Commission on Higher Education (CHEd) na maipatupad ang libreng matrikula sa State Universities and Colleges (SUCs) sa Hunyo.

Sa isang panayam, sinabi ni CHEd officer-in-charge Prospero De Vera III na pangunahing aasikasuhin ng ahensya na maipatupad ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Ayon kay De Vera, isinasapinal na ng CHED ang Implementing Rules and Regulations para sa libreng matrikula sa SUCs.

Si De Vera ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamahala sa CHED matapos magbitiw sa pwesto si Patricia Licuanan.

Source link

6 SHARE

Post Comments