Civil Service Exam sa NCR at Rizal ngayong araw, kinansela na

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Inanunsyo ng Philippine Civil Service Commission na kanselado na ang Paper-and-Pen Test para sa National Capital Region (NCR) at Rizal ngayong araw.

Ito ay bunsod ng walang tigil na pag-uulan dala ng Habagat na pinalakas ng dalawang bagyo sa labas ng bansa.

Samantala, ayon CSC, tuloy ang examination sa iba pang lugar.

Ayon sa komisyon, ang mga examinees na hindi makakapa-exam bukas bukod sa NCR at Rizal ay magdudulot ng forfeiture ng kanilang slot at exam fee.

Nag-abiso naman ang CSC na manatiling nakatutok sa kanilang official Facebook page para sa iba pang anunsyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments