‘CJ Sereno, naka-indefinite leave para paghandaan ang Senate trial’ – counsel

     5 months ago
24
Leave a Comment
4 SHARE

Inamin ngayon ng kampo ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno na naka-indefinite leave nga ang punong mahistrado mula Marso 1 o bukas.

Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, dahil naka-indefinite leave ang chief justice ay wala pa silang ideya kung kailan ito babalik pero nanatili umano siyang punong mahistrado ng Korte Suprema.

Una nang inihayag ni Lacanilao na naka-wellness leave si Sereno pero sa sulat ng chief justice kay Deputy Clerk of Court Atty. Anna-Li Papa Gombio, mag-i-indefinite leave ito para paghandaan ang kanyang depensa sa Senado sa isasagawang impeachment trial.

Nanindigan si Lacanilao na walang makakaalis kay Sereno sa kanyang puwesto kundi ang Senado lamang.

Pero kapag magre-resign si Sereno sa puwesto ay sarili na raw niya itong desisyon.

 

Source link

Post Comments