CJ Sereno sa SC employees: ‘Hayaang gumulong ang impeachment trial, ‘di ako magre-resign’

     6 months ago
22
Leave a Comment
3 SHARE

Labis na ikinalungkot ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang hakbang ng mga judges na nanawagang mag-resign na lamang ito.

Sa isinagawang press conference dito sa Balay Kalinaw Naniniwala si Sereno na napupulitika ang isyu na pagpapababa sa kanya sa puwesto.

Pero patuloy umano itong lalaban lalo na’t mas marami pa rin umanong mga court employees ang naniniwala sa kanya.

Patuloy din umano niyang ipaglalaban ang lahat ng mga ginigipit at sinisikil ng karapatan.

Sinagot din niya ang panawagan ng mga mahistrado at court employees sa pagbibitiw sa puwesto.

Aniya tuloy umano ang laban at hayaan na lamang na gumulong ang proseso ng batas at lumabas ang katotohanan.

Ito ay sa pamamagitan ng impeachment trial sa Senado.

Mistulang tinapatan ngayon naman ng mga supporters ni Sereno ang panawagan kanina ng mga court emplyees ay iba pang grupo na nais pababain ang punong mahistrado sa puwesto.

Mariing kinondena ng grupong Coalition for Justice ang umano’y pagmamanipula ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanggal kay Sereno sa kanyang puwesto.

Malaki ang paniniwala ng grupo na malaki ang kinalaman dito ni Duterte lalo na’t si Solicitor General Jose Calida na pangunahing naghain ng quo warranto petition laban sa punong mahistrado.

Source link

Post Comments