Coast Guard, Navy, PNP, sama-samang magpapatrolya na rin sa Boracay

     3 months ago
20
Leave a Comment
3 SHARE

KALIBO, Aklan – Inaasahang darating na sa susunod na linggo ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na magpapatrolya sa buong isla ng Boracay bilang bahagi ng ipapatupad na mahigpit na seguridad sa isla simula sa Abril 26.

Ayon kay PCG-Caticlan chief Lt. Commander Ramil Palabrica, ide-deploy sa isla ang MRRV 4409 BRP Cabra at SARV 3504 BRP Davao del Norte.

Ang special operations group aniya ang magiging katuwang ng mga barko mula sa Philippine Navy at Philippine National Police Maritime Patrol Boat.

Inihayag ni Palabrica na plantsado na ang kanilang plano para sa isasagawang rehabilitasyon sa Boracay, kabilang na ang mahigpit na pagbabantay sa pagpapatupad ng one entry, one exit policy.

Napag-alaman na inabisuhan na rin ang mga taga-Sta. Fe Romblon na bawal na ang pagdaong sa Tabon Port.

Maaring dumaong daw ang mga ito sa bahagi ng welcome center dahil sa mahigpit na screening process sa mga papasok at lalabas sa isla sa panahon ng closure order.

Ipinapatupad na rin aniya sa isla ang safety, security and environmental numbering system upang mabilang ang mga naglalayag na sasakyang pandagat sa ilalim ng DOTR regulations kung saan halos 80 porsiyento sa mga ito ay nabigyan na ng numero.

Samantala, kinumpirma ni Palabrica na tuloy ang biyahe ng mga motorbanca subalit kanselado ang mga water sports activity gayundin ang island hopping.

Bukod dito, ipapatupad din ang three-kilometers “no sail zone” sa isla ng Boracay.

Source link

Post Comments