Commercial/residential building sa Binondo, nasunog

     2 months ago
49
Leave a Comment
5 SHARE

Tinupok ng apoy ang isang commercial/residential building sa Binondo Maynila.

Nasa likurang bahagi lamang ng Binondo Church ang nasunog na Wellington Building sa Nueva Street kanto ng Oriente Street.

Ang ikaapat na palapag ng gusali ang nasunog na nagsimula alas 11:58 ng umaga.

Umabot sa 5th alarm ang sunog bago naideklarang under control ala 1:58 ng hapon.

Ayon sa Manila Fire Bureau, tinatayang nasa P5 milyon ang napinsala sa sunog.

Wala namang nasaktan o na-trap sa nasunog na residential/commercial building.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments