Concert ng Paramore sa Pilipinas sa February 18, iniurong sa Agosto

     6 months ago
18
Leave a Comment
5 SHARE

Hindi matutuloy ang nakatakdang concert ng bandang ‘Paramore’ sa Pilipinas sa Linggo, February 18. Sa halip, iniurong ang petsa ng concert at gaganapin na lamang sa August 23.

Maliban sa Manila concert ng Paramore, iniurong din ang petsa ng kanilang concert sa Jakarta, Indonesia.

Sa kanilang official Facebook page, inanunsyo ng vocalist na si Hayley Williams ang postponement ng concert at ang problema niya sa kalusugan ang binanggit na dahilan.

Sinabi ni Hayley na dalawang araw na siyang nakararanas ng throat at upper-respiratory infection. Kung hindi lang aniya apektado ang kaniyang boses, hindi nila sususpindihin ang konsyerto.

Ito na ang ikatlong concert ng Paramore sa Pilipinas matapos ang matagumpay na konsyerto noong 2010 at 2013.

 

 

 

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments