Consignee sa P6.4-B shabu shipment iniharap ng NBI matapos maaresto sa Iloilo

     3 months ago
7
Leave a Comment
7 SHARE

(Update) ILOILO CITY – Kaagad ibiniyahe patungong Metro Manila ang isa sa mga sangkot sa P6.4 billion na shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC).

Ito’y makaraang nahuli kaninang umaga sa bayan ng San Dionisio, Iloilo si Eirene Mae Tatad, bagama’t sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na sumuko umano ito.

Si Tatad ang may-ari ng EMT Trading na siyang consignee sa mga container na naglalaman ng cylinders ng shabu ngunit idineklarang general merchandise.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, sinabi ni NBI-Region 6 director Atty. Max Salvador na makaraang makuha sa San Dionisio ay idiniretso kaagad nila sa Iloilo International Airport si Tatad.

Ayon kay Salvador, mismong ang operatiba ng NBI national headquarters ang tumungo sa Iloilo upang kunin si Tatad.

Pagsapit sa tanggapan ng NBI sa Maynila ay agad ding iprinisenta si Tatad sa harap ng media.

Kung maaalala, si Tatad kasama ang iba pang sangkot sa kontrobersiyal na shabu shipment ay may arrest warrant dahil sa kasong importation of illegal drugs kaugnay ng nakalusot na shipment ng shabu sa BOC.

Una nang sumuko sa NBI nitong nakalipas na araw ang Customs broker na si Mark Taguba.

Source link

Post Comments