Construction worker patay matapos silaban ng kanyang kainuman

     4 weeks ago
17
Leave a Comment
12 SHARE

 

Patay ang isang construction worker matapos itong silaban ng kanyang kaibigan sa gitna ng kanilang inuman sa Dumaguete City.

Nagtamo ng third degree burns ang biktima na kinilalang si Daniel Cuevas, tubong Ayungon, Negros Oriental na bagamat nadala pa sa pagamutan ay nalagutan rin ng hininga makalipas ang ilang oras.

Tumakas naman ang suspek na si Antonio Casas, kapwa construction worker at katrabaho ng biktima.

Sa imbestigasyon, nag-iinuman umano dalawa sa Sto. Rosario Heights, Bgy. Bagacay nang bigla umanong paluin ng tubo ng suspek na si Casas.

Tila hindi pa nakuntento, binuhusan pa ni Cuevas ng thinner ng pintura ang biktima at tuluyang sinilaban.

Ang mga rumespondeng lokal na kagawad ng barangay na ang nagdala sa biktima sa ospital kung saan nadiskubreng nagtamo ito ng matinding pagkasunog sa buong katawan na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng salarin sa pagsunog sa biktima bagamat hinihinalang may matagal nang alitan ang dalawa. na humantong sa pagpatay ng suspek sa kanyang kainuman.

Source link

12 SHARE

Post Comments