Construction worker sugatan makaraang masabugan ng vintage bomb sa Baclaran

     7 months ago
28
Leave a Comment
6 SHARE

Nasugatan ang isang construction worker matapos na masabugan ng isang vintage bomb sa Baclaran, Parañaque City ngayong hapon.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nahukay sa excavation activity sa isang construction site ang nasabing bomba.

Tinatanggal na sa lugar ang bomba nang ito ay sumabog at masugatan ang bumubuhat ditong biktima na nakilalang si Randy Manalo, 30-anyos.

Ayon sa mga imbestigador ng Southern Police District, dinala na sa ospital si Manalo at nilalapatan na ng lunas.

Nagsasagawa naman ng post blast investigation ang mga imbestigador mula sa SPD sa nasabing insidente.

Muli ring nagpa-alala ang mga pulis na huwag basta galawin ang mga vintage bomb dahil posibleng sumabog ito tulad na lamang ng bombing nakuha ni Manalo.

Source link

6 SHARE

Post Comments