Cosmetic surgeon Joel Mendez, nagpiyansa sa kasong rape

     2 weeks ago
47
Leave a Comment
7 SHARE

Pansamantalang nakalaya ang cosmetic surgeon na si Dr. Joel Mendez matapos itong magpiyansa sa kasong dalawang bilang ng rape at attempted rape.

Naaresto araw ng Biyernes si Mendez pero makalipas ang magdamag na pagkakulong sa Mandaluyong City Police ay pansamantala itong nakalaya.

Ito ay matapos na maglagak ang doctor ng piyansa na halagang P360,000.

Samantala, kinuwestyon ng mga kaanak ng umano’y biktima ni Mendez kung bakit ito nakapag-piyansa gayung menor de edad ang biktima nang mangyari ang insidente.

Sa salaysay ng hindi pinangalanang biktima, nangyari ang umanoy pagmolestya noong 2015.

Model ang biktima sa Mendez Medical Group at mayroon itong isang taong kontrata sa kumpanya.

Sa isang body scrub procedure ay nagprisinta umano si Mendez na gawin ito.

Sa kabila umano ng pagtutol ng biktima ay nagpilit ang doktor. Nakatakas lang umano ang noo’y 17 anyos na biktima nang itulak niya si Mendez.

Nagtakda ang korte ng arraignment at pre-trial conference para sa mga kaso laban kay Mendez sa August 15, 2018. (Len Montaño)

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

7 SHARE

Post Comments