Countdown sa ‘ultimatum’ vs establishments sa Boracay simula na – gov

     6 months ago
19
Leave a Comment
6 SHARE

KALIBO, Aklan – Nanawagan si Aklan Governor Florencio Miraflores sa mga stakeholders na suportahan ang ginagawang hakbang ng national government upang linisin ang isla ng Boracay.

Sa isinagawang Boracay stakeholders meeting, inamin ni Miraflores na nagkulang ang mga stakeholders at local officials upang mapreserba ang isla sa mga kinakaharap nitong problema ngayon.

Sa naturang pulong, tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 6 ang 51 establisyemento na binigyan ng notice of violation dahil sa mga paglabag sa iba’t ibang environmental laws lalo na sa Clean Water Act.

Nitong araw ng Huwebes, ay magsisimula ang 15 araw na palugit na ibinigay sa mga establisyemento na ligal na nakakonekta sa drainage system at iba pang paglabag.

Samantala, pag-aaralan din nila ang mga gagawing hakbang sa mga istrukturang nakatayo sa mga wetlands at forestlands.

Sa kabila nito, ipinasiguro ni Miraflores na ligtas pa rin na maligo sa baybayin ng isla.

Sa pag-aaral umano ng DENR hindi naman nakakabahala ang mga nakakalat na lumot at fecal coliform concentration sa isla.

Source link

Post Comments