CPP founder Joma Sison, dismayado sa pagpapaliban sa peace talks

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Nagpupuyos sa galit si National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Chief Political Consultant Prof. Jose Maria Sison dahil sa pagpapaliban sa nakatakda sanang pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa June 28.

Hindi kasi umano tumupad ang pamahalaan sa mga kasunduang nilagdaan sa mga naganap na backchannel talks sa The Netherlands noong June 9 at 10.

Wala rin umano itong kaalam-alam sa hakbang ng pamahalaan na pansamantalang ikansela ang usaping pangkapayapaan bago pa ito ianunsiyo ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza.

Dahil dito, hinimok ni Sison ang negotiating panels na ilabas sa publiko at sa media ang mga kasuduang nilangdaan ng NDFP at ng pamahalaan.

Kung mabibigo raw ang pinaplantsang peace negitiations ay posibleng magsagawa ulit ang revolutionary forces ng giyera para matamo ang pambansa at panlipunang liberasyon ng mga Pinoy.

Una rito, sinabi ni Dureza sa press briefing sa Malacañang, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa muna ng konsultasyon sa publiko at iba pang stakeholders bago bumalik sa negotiating table.

Source link

0 SHARE

Post Comments