DA Usec. Puyat, ‘overwhelmed’ sa appointment bilang Tourism Sec.

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Hindi pa rin umano makapaniwala si Department of Agriculture (DA) Usec. Bernadette Romulo-Puyat sa pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong kalihim ng Department of Tourism (DOT).

Sa panayam ng Bombo Radyo, idinetalye ni Puyat kung paano siya sinabihan ng pangulo mula sa kanilang pagpupulong nitong Martes na siya na ang uupo sa posisyong binakante ni Sec. Wanda Teo matapos ang resignation nito.

“Nag-meeting kami (kahapon) sa Malacanang about Agriculture, tapos binanggit lang niya sa akin: ‘Narinig mo ba na nag-resign si Sec.Teo?,’ tapos sabi ko na oo nabasa ko,” ani ng DA Usec.

“Tapos sabi niya (Duterte): ‘Bagay sa’yo. Your credentials speak for itself. Matagal ka na sa DA, malinis ka. Are you willing to accept?,’” dagdag pa appointed secretary.

Sa kabila nito aminado si Puyat na hindi siya kumbinsido sa alok ng pangulo pagkat iba ang pakay ng kanilang pagpupulong.

“Hindi ako naniwala kasi pinaguusapan namin bigas; the way he said it may pagka-casual. Sabi ko parang niloloko mo (to president) lang ako, pero sabi niya (Duterte) ‘Hindi seryoso ako. If you accept it, I want you to be the next DOT Secretary.’”

Matapos nito, bagamat hindi pa aniya tinatanggap ang alok ng presidente, ipinakilala na umano agad siya ni Duterte kay dating Sen. Serge Osmena na naroon din sa Malacanang nang maganap ang appointment.

“Sabi niya (Duterte): ‘Serge, I want you to meet the next DOT secretary,’ tapos si SAP Bong Go nandoon din,” kwento pa ni Puyat.

“Hindi ako prepared, I was in Malacanang para sa trabaho ng Agrikultura tapos nang sinabihan niya ako parang nabigla ako. Hindi ako makapaniwala until nung nag-announce na.”

Kilalang anak ng dating senador at Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo, si Puyat ay apo rin ng National Artist for Literature na si Carlos P. Romulo.

Nagtapos ng undergraduate at masters degree in Economics sa University of Philippines ang bagong kalihim bago nanilbihan bilang consultant sa Presidential Management Staff ng administrasyong Arroyo noong 2005.

Matapos nito ay umupo naman bilang Usec. for Special Concerns ng DA si Puyat sa panunungkulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nagpatuloy pa opisyal sa panunungkulan sa Agriculture department nang maging Usec. for Administration, Agribusiness and Marketing and Regional Engagement noong Hulyo 2017.

Magugunitang nag-resign si Sec. Teo dahil sa kontrobersyal na P60-million advertisement sa government station na People’s Television Network, Inc. kung saan nakaladkad ang programa ng kanyang mga kapatid.

Ayon sa report ng Commission on Audti,  ipinasok ng himpilan ang pondo para sa promosyon ng mga programa ng kagawaran.

Source link

0 SHARE

Post Comments