Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, epektibo na

     2 months ago
9
Leave a Comment
3 SHARE

 

Simula na ngayong umaga ng Martes ang muling pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ay matapos magpatupad ng dalawang magkasunod na rollback nitong nakalipas na dalawang linggo ang mga kumpanya ng langis.

Simula alas sais ngayong umaga, magtataas na ng P0.85 sa bawat litro ng diesel ang mga gasolinahan sa bansa.

P0.65 naman ang idadagdag sa presyo ng mga gasoline products.

Samantala, P1.15 naman ang magiging pagtaas sa kada litro ng kerosene simula ngayong araw.

Ang paggalaw pa rin umano ng presyo ng krudo sa world market ang dahilan ng panibagong oil price increase ngayong linggong ito.

Source link

3 SHARE

Post Comments