Dalawang holdaper patay sa engkwentro sa mga otoridad sa Maynila

     2 months ago
30
Leave a Comment
3 SHARE

Patay ang dalawang robbery hold-up suspects matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Binondo Maynila, kaninang madaling araw.

Nagsagawa ng follow up operation ang pinagsanib na pwersa ng Juan Luna police community precinct at Station 11 ng Manila Police District laban sa adlawang suspek base sa sumbong 30 anyos na biktimang si Beverly Diga.

Nang makita ang mga suspek sa bahagi ng Meuelle Del Blaco Nacional sa Binondo dakong alas 12:45 ng madaling araw ay nanlaban ito sa mga pulis dahilan para mauwi sa palitan ng putok ang operasyon.

Dinala pa sa Jose Abad Santos Hospital ang mga suspek pero idineklara silang dead on arrival.

Kapwa naman walang pagkakakilanlan na nakuha sa dalawa na ang isa ay nakasuot ng pulang t-shirt at ang isa ay nakasuot ng itim na t-shirt. Kapwa may “COMMANDO” na tattoo ang dalawa at tinatayang edad 25 hanggang 30 anyos.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang caliber 38 na baril, isang motorsiklo, ilang piraso ng sachet ng hinihinalang shabu, dalawang sling bag na naglalaman ng mga cellphone, mga pera, at ang iPhone na pag-aari ng biktima.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments