Dalawang retired general, itinalagang bagong opisyal ng DILG

     4 months ago
44
Leave a Comment
8 SHARE

Pormal nang uupo bilang mga bagong opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang dalawang retiradong police generals na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang dalawang opisyal ay sina dating Police Community Relations Group Director Bernardo Florece Jr., na ngayon ay DILG Undersecretary for Peace and Order.

Itinalaga naman bilang Assistant Secretary si Manuel Felix na dati ay Director ng PNP Directorate for Integrated Police Operations sa Western Mindanao.

Kumpiyansa naman si DILG Officer-in-Charge Eduardo Año na magiging ‘asset’ sa kagawaran ang dalawang dating heneral, lalo na sa paglaban sa kriminalidad, iligal na droga, kurapsyon at terorismo.

Kapwa miyembro ng Philippine Military Academy Matikas Class of 1983 ang dalawang bagong opisyal ng DILG.

Source link

8 SHARE

Post Comments