Dating child actor na si CJ Ramos, nakalabas ng kulungan

     4 weeks ago
79
Leave a Comment
12 SHARE

 

Nakalabas na ng bilangguan ang dating child actor na si CJ Ramos.

Ito’y makaraang makulong matapos mahuli sa isang buy-bust operation noong nakalipas na linggo.

Si Ramos ay naglagak ng piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Nauna nang nagmosyon ang kampo ni Ramos na pababain ang piyansang P200,000 na itinakda ng korte.

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Dir. Gen. Guillermo Eleazar, noong July 31, 2018 ay nagkasa ng buy-bust operation ang Caloocan City police sa Tandang Sora, Quezon City target ang isang drug pusher.

Pero nagkataon na habang bumibili ang pulis na nagpanggap na buyer ay bumili rin ng isang sachet ng shabu ang 31-anyos na si Ramos.

Nakumpiska sa aktor ang P500 halaga ng shabu.

Hindi naman na itinanggi ni Ramos ang pagdo-droga.

Si Ramos, o Cromell John Ocampo Ramos, ay nakilala sa mga pelikulang Tanging Yaman noong 2000 at Ang TV Movie: The Adarna Adventure noong 1996.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

12 SHARE

Post Comments