Deployment ban ng mga OFW sa Kuwait, mananatili – Duterte

     2 months ago
25
Leave a Comment
10 SHARE

DAVAO CITY – Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatuloy pa rin ngayon ang deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa bansang Kuwait.

Kasunod ito ng nagkakadiskubre ng bangkay ng isang Pinay worker sa freezer sa isang apartment sa naturang bansa.

Sa pagharap ng pangulo sa mga mamamahayag sa Matina Enclaves, lungsod ng Davao, sinabi nito na hindi niya gustong maka-offend ng alinmang pamahalaan ngunit kung kakailanganin umano ang isang ban, hindi umano siya magdadalawang-isip.

“We do not intend to offend any government, but if a ban is what is needed, then let it be so. The ban continues today,” ani Duterte.

Paliwanag pa ng presidente, magpapatuloy ang deployment ban sa lugar kung ang pagpatitigil umano ng pagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa ang kinakailangan upang matigil na ang pag-aabuso sa mga OFW.

Aniya, hindi naman naghahanap ng special treatment ang bansa para sa mga OFW ngunit nais nitong respetuhin ang dignidad ng mga manggagawang Pinoy na nasa ibang bansa at lalo ang paggalang sa basic human rights.

Sa pinakahuling datos, nasa 250,000 ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa nabanggit na lugar.

Source link

Post Comments