Deployment ban ng OFWs, posibleng ipairal din sa ibang bansa – Palasyo

     2 months ago
9
Leave a Comment
4 SHARE

Inianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng magpapatupad din ang gobyerno ng Pilipinas ng deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFWs) aa ibang bansa maliban sa Kuwait.

Sinabi ni Pangulong Duterte, pinapanindiganan nito ang deployment ban sa Kuwait at hindi daw malayong magpasiya siyang ipairal sa iba pang bansa ang pagbabawal ng pagpapadala ng OFWs.

Ayon kay Pangulo kahit may magagalit sa kanya pero hindi raw nito maaatim na mangibang bansa ang isang Pilipino para lamang babuyin at makaranas nang pagmamalupit mula sa kanilang mga amo.

Inihayag ng Presidente na ang nais niya para sa mga OFWs ay makabalik ang mga ito sa bansa at mabigyan ng pangkabuhayan sa Pilipinas at kanyang inaatsan si Trade Sec. Ramon Lopez at sa iba pang miyembro ng gabinete na gawan ito ng paraan.

“The ban will continue and it will extend to other countries. Mahirapan sila, well, humihingi na ako ng tawad sa inyo. I will not allow… Hindi… Wala akong kaplano na ipadala kayo doon tapos babuyin kayo. Hindi ko style ‘yan. Magalit kayo nang magalit sa akin tutal — basta ako trabaho lang. Mawala na ako sa politika. Wala na talaga. I’m done and wala na akong ambisyon,” ani Pangulong Duterte.

Source link

Post Comments