Deputy Ombudsman Carandang, sinuspinde sa paglabas ng bank record ni Duterte

     6 months ago
50
2 Comments
30 SHARE

Pinatawan ng Office of the President (OP) ng 90-day preventive suspension si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang kaugnay ng paglalabas nang bank transactions ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa ruling ng Office of the Executive Secretary (OES), nakitaan nila ng basehan ang kasong grave miscounduct at grave dishonesty na inihain ng mga complainants noong Oktubre 2017.

Ayon kay Sec. Roque, ang suspensyon at kasong administratibo laban kay Carandang ay hindi nangangahulugang tama ang mga impormasyong isinapubliko nito hinggil sa bank accounts ni Pangulong Duterte.

Inihayag ni Roque na “misleading” ang mga isinapubliko ni Carandang at itinanggi na rin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na hindi galing sa kanila ang mga dokumento na ginamit rin ni Sen. Antonio Trillanes sa kanyang batikos laban may Pangulong Duterte.

Binigyan ng tanggapan ng pangulo si Carandang ng 10 araw para sagutin ang kinakaharap na kaso.

Naninindigan din ang Malacañang na may hurisdiksyon ang Office of the President sa mga Deputy Ombudsman dahil hindi sila impeachable officials.

Source link

Post Comments