Destiny’s Child nagkaroon ng reunion sa Coachella

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Sa pagbabalik ni Beyonce sa entablado ay ginulat niya ang kanyang mga fans dahil sa isang reunion kasama ang mga dating bandmates sa Destiny’s Child.

Sa Coachella music festival na ginanap sa California ay ipinakita ni Beyonce na matapos niyang manganak ng kambal ay back to work na siya.

Kasama ang mga dating bandmates na sina Kelly Rowland at Michelle Williams ay itinanghal ng trio ang kanilang mga kanta bilang Destiny’s Child, kabilang ang “Say My Name.”

Huling nagsama-sama ang tatlo para sa Super Bowl halftime show noong 2013.

Samantala, nagtanghal rin si Beyonce kasama ang kanyang asawa at rap mogul na si Jay-Z, maging ang kanyang kapatid na si Solange.

Kabilang sa mga pinerform ni Beyonce ang “Crazy In Love,” “Run the World,” “Single Ladies,” at “Love On Top.”

Gumawa rin ng kasaysayan si Beyonce sa Coachella dahil siya ang kauna-unahang woman of color na nanguna para sa nasabing music festival.

Source link

0 SHARE

Post Comments