DFA hinamon ni Drilon na magpakita ng tapang laban sa China

     2 months ago
40
1 Comment
307 SHARE

Para kay Senate Minority Leader Frank Drilon sapat ng ebidensiya ang video footages ng isang television news team para iprotesta ng Department of Foreign Affairs sa China ang panggigipit sa mga mangingisdang Filipino sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Drilon sa pagkakataong ito ay dapat magkaroon ng lakas ng loob at palagan ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ang insidente sa pamamagitan nang paghahain ng diplomatic protest.

Giit nito kailangan protektahan ng gobyerno ang ating teritoryo at igiit ang pagkampi ng Arbitral Tribunal sa Pilipinas ukol sa pag-aari sa naturang bahura.

Puna pa ni Drilon, ipinagtataka nito ang hindi paggiit sa China na sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang Scarborough Shoal.

Hindi rin umano makatotohanan na may 100 ng diplomatic protest o note verbale na inihain ang Pilipinas laban sa China.

Kahapon ay sinabi ng Malacañang na naghain na naman sila ng panibagong protesta laban sa China hingil sa nasabingisyu.

Source link

307 SHARE

Post Comments