DFA sa ASEANA magbubukas na tuwing Sabado para maka-accommodate ng mga passport applicants

     7 months ago
28
Leave a Comment
6 SHARE

Dahil sa dami pa rin ng nais na makapagpa-schedule para sa passport processing, magbubukas na tuwing Sabado ang Consular Office Affairs (OCA) ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ASEANA.

Sa abiso ng DFA, simula sa February 10, 2018, bukas na ang DFA-OCA sa ASEANA kada Sabado mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Ang mga nais makapagproseso ng passport ay kinakailangan pa ring magpa-appointment online.

Ayon sa DFA, walang walk-in applicants na ie-entertain sa DFA-OCA sa ASEANA kapag Sabado at walang bubuksang courtesy lane.

Hindi rin magiging available kapag Sabado ang ibang serbisyo gaya ng authentication at consular records.

Ang nasabing non-passport services at courtesy lane facilities naman ay mananatiling bukas sa mga mall-based DFA Regional at Satellite offices kahit Sabado.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

6 SHARE

Post Comments