‘Di pa tapos activity ng Mt. Mayon maari pang magbago – Phivolcs

     3 months ago
14
Leave a Comment
3 SHARE

LEGAZPI CITY- Muling nagpaalala ngayon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa patuloy na aktibidad ng bulkang Mayon.

Sa naging ulat ni Phivolcs Volcano Monitoring Eruption and Prediction Division Chief Mariton Bornas, binigyang-diin nito na hindi pa natatapos ang activity ng bulkan na posibleng magkaroon ng pagbabago sa anumang oras.

Sa kabila umano ng mabagal na magma explosion rate gayundin ang mababang rockfall events na naitala na umabot lamang sa limang habang 1,331 tonelada ang pagbuga ng asupre, nagpapatuloy naman umano ang ground deformation at inflationary trend.

Nabatid naman na umabot na sa 6 million cubic meters ang volume ng lava na nailabas ng bulkan na lubhang mababa umano sa eruptive volume ng Mt. Mayon noong 2009 na umabot ng 30 million cubic meters.

Samantala, nananatili namang nakataas sa Alert Level 3 status ang naturang bulkan kaya’t nananatili naman ang day-to-day close monitoring ng ahensya.

Source link

Post Comments