Dismissal order vs Rep. Garcia, ‘di susundin ng Kamara – Speaker Alvarez

     6 months ago
27
Leave a Comment
7 SHARE

Nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi ipapatupad ng mababang kapulungan ng Kongreso ang dismissal order ng Office of the Ombudsman kontra Deputy Speaker at Cebu Rep. Gwendolyn Garcia.

Iginiit ng lider ng Kamara na hindi nila susundin ang utos na ito ng Ombudsman sapagkat wala naman daw itong legal basis sa Konstitusyon.

Ayon kay Alvarez, hindi na raw niya problema sa ngayon kung naglabas man ng utos ang Ombudsman laban kay Garcia kahit wala naman daw itong basehan sa batas.

“Hindi ko problema kung nag-issue sila ng order na iyon na walang legal basis. Problema nila iyon. Hindi ko na problema na iyan. Bakit naman pag-aabalahan nating kung walang legal basis,” ani Alvarez.

Nauna nang sinabi si House Majority Leader Rodolfo Farinas na hindi nila susundin ang utos na ito ng Ombudsman kagaya na lamang daw ng hindi pagsunod naman ng Senado nang sinibak din si Sen. Joel Villanueva.

Samantala, iginiit naman ni Garcia na kuwestiyonable ang timing ng pagpapalabas ng dismissal order ng Ombudsman laban sa kanya.

Source link

Post Comments