Dog meat restaurants sa PyeongChang, magpapatuloy sa pagtitinda sa gitna ng Winter Olympics

     2 months ago
7
Leave a Comment
4 SHARE

 

Halos lahat ng mga dog meat restaurants sa Pyeongchang sa South Korea ay hindi susunod sa hiling ng pamahalaan na itigil muna ang paghahanda at paghahain ng dog meat para sa Winter Olympics.

Ayon sa lokal na opisyal ng Pyeongchang County na si Lee Yong-bae, sa 12 mga dog meat restaurants sa kanilang lugar ay dalawa lamang ang sumunod sa kanilang hiling.

Ayon umano sa mga may-ari ng mga establisyimento, isang pagbabanta sa kanilang kabuhayan ang gusto ng pamahalaan.

Sinasabi ng mga ito na sa tuwing gagamit sila ng karne ng baboy imbes na aso ay malaki ang pagbagsak ng kanilang benta.

Pinaniniwalaan kasing nakakatulong sa kalusugan, partikular na sa pagpapataas ng energy ang karne ng aso.

Patuloy naman aniya nilang hihimukin ang mga may-ari ng mga negosyo na itigil na ang pagbebenta at paghahain ng mga karne ng aso.

Source link

4 SHARE

Post Comments