DoH legal dep’t, pinakilos na vs Sanofi Pasteur

     5 months ago
17
Leave a Comment
4 SHARE

Tiniyak ng Department of Health (DoH) na gagamitin na nila ang lahat ng legal remedies laban sa Sanofi Pasteur makaraang tanggihan ng kompaniya ang pag-refund sa P1.6 billion used doses ng kanilang produkto.

Sa isang kalatas na inilabas ngayong araw ng tanggapan ni Health Sec. Francisco Duque III, sinabi nitong natanggap na nila ang liham ng Sanofi Pasteur for Asia Pacific Region, kung saan tinatanggihan ang pagsasauli ng naibayad na dati ng Pilipinas para sa Dengvaxia deal.

May lagda umano ito ni Thomas Triomphe na head ng kompaniya dito sa Asya.

Sa kabuoan ay P3.5 billion ang deal, ngunit ang iba rito ay una nang sinabi na ire-refund.
Ayon kay Duque, nai-forward na niya ang sulat ng Sanofi sa kanilang legal department para maihanda ang civil suit laban sa nasabing kompaniya.

“I have forwarded the letter to the Legal Department and ordered that a civil suit be instituted against Sanofi Pasteur,” wika ng kalihim.

Binigyang diin ng DoH na hindi nagbigay ng sapat na impormasyon ang Sanofi ukol sa kanilang produkto bago ito nai-turn over sa Pilipinas.

Hanggang noong Nobyembre 29, 2017 na lang naianunsyo ang warning, makaraang maibakuna na ang Dengvaxia sa mahigit 800,000 mga bata.

“Prior to the November 29, 2017 announcement, Sanofi Pasteur never issued a warning or precaution regarding the vaccine’s use among individuals who have had no prior dengue infection. It was only on this announcement that Sanofi Pasteur revealed that Dengvaxia poses a heightened risk of contracting severe dengue to seronegative individuals. It is regrettable that this crucial information was only made public by Sanofi Pasteur after the DOH has implemented the vaccine program to about 837,000 children,” pahayag pa ng DoH.

Source link

4 SHARE

Post Comments