DoJ, hiniling na sa Manila court na ideklarang terrorist organization ang CPP-NPA

     5 months ago
19
Leave a Comment
37 SHARE

DoJ, hiniling na sa Manila court na ideklarang terrorist organization ang CPP-NPA

President Rodrigo Duterte talked with CPP-NPA leaders Benito and Wilma Tiamzon, NDFP chair Fidel Agcaoili, Rosario Agcaoili and Dr. Joy Alcantara in a meeting at the Music Room in Malacañang.

Iginiit ngayon ng Department of Justice (DoJ) na kailangang ideklara nang teroristang grupo ang rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) dahil sa mga pag-atake sa tropa ng pamahalaan mula April hanggang December 2017.

Kasunod pa rin ito ng hirit ng DoJ sa Manila Regional Trial Court (RTC) na ideklara na ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang terrorist organization.

Si Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong ang naghain ng petition for proscription sa Manila RTC.

Ginamit na batayan ni Ong sa isinampang petisyon ang Human Security Act of 2007.

Sa ilalim ng Section 17 ng nasabing batas kinakailangang mag-apply ang DoJ sa korte bago maipadeklarang terorista ang isang grupo o organisasyon.

Ayon kay Ong, sapat nang rason para maideklara ang CPP-NPA bilang mga terorista ang kanilang pag-atake sa mga tropa ng pamahalaan.

Maalalang noong Disyembre, nagpalabas ng proclamation order si Pangulong Rodrigo Duterte na nagdedeklara sa CPP-NPA bilang terrorist organization.

Source link

Post Comments