DoT, ‘di sang-ayon ipasara ang Boracay, giit may solusyon sa sewage problem

     2 months ago
20
Leave a Comment
6 SHARE

ILOILO CITY – Hindi sang-ayon ang Department of Tourism (DoT) sa banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang isla ng Boracay dahil sa isyu ng polusyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre na sustainability ang kailangan ng Boracay para sa mga susunod na henerasyon.

Bagama’t may opsyon naman aniyang ibinigay ang Pangulo at maipapasara lang ang Boracay kung hindi kikilos ang mga ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Alegre, kapag nagsama-sama ang mga ahensiya ng gobyerno ay maaayos pa ang Boracay at lalong dadami ang turista.

Naniniwala ang opisyal na kayang masolusyunan ng pamahalaan ang problema sa kinikilalang isa sa pinakamagandang isla sa mundo.

Nakahanda na ayon kay Alegre ang paggawa ng sewage treatment plant at mahalaga ay maging handa lang ang mga stakeholders.

Source link

Post Comments