DOT Sec. Puyat nakulangan sa bilang ng tourist arrival noong 2017

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Hindi masaya si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na mahigit 6 milyon lamang ang mga turistang dumating sa bansa noong nakaraang taon.

Tatalakayin ni Puyat sa kanyang team sa ahensya kung paano patataasin ang bilang ng tourist arrival.

Ayon sa kalihim, ang 6.6 million na bilang ng mga dumating na turista sa bansa ay mas mababa kumpara sa mga bansa sa Asya.

Dagdag ng bagong talagang DOT secretary, nasa Pilipinas ang aniya’y “best food, best sights, best destinations, at best people.”

Nasa datos na naitala ang 6,629, 008 dayuhang turista noong 2017.

Ito ay nasa 11% na pagtaas mula sa halos 6 milyong tourist arrivals noong 2016.

Sa ilalim ni dating Tourism Secretary Wanda Teo, nasa 7.4 million ang target na international tourist arrival ngayong 2018.

Ang Thailand ang may pinakamataas na tourist arrival rate sa Southeast Asia, sumunod ang Malaysia, batay sa 2015 data mula sa Association of Southeast Asian Nation (ASEAN).

Source link

0 SHARE

Post Comments